projeck

Waste To Win!

Posted on

 

640px-indonesia-sodis-gross
Photo Credit to SODIS EAWAG

Plastik!  Ito ang madalas natin itawag  sa mga taong hindi nagpapakatotoo sa sarili  o nagtatago ng kanyang tunay na kalagayan sa buhay at nadarama.

Plastik rin ang tawag natin sa bagay na lagi nating ginagamit sa araw-araw.  Naging bahagi na  ito ng ating buhay sa matagal na panahon.  Ginagamit natin ito sa mga sumusunod:

  • Sa paggawa ng yelo at ice candy
  • Sisidlan ng ating binili every-time na tayo ay mag-shopping o mamalengke
  • Lagayan ng ating inumin
  • Packaging ng wet goods
  • At iba pa.

Pero teka, alam mo ba na bawal na ang plastik sa ating Bayan?  Oo,  tama ka ang tinutukoy ko ay yung plastik na ginagamit at hindi yung taong plastik.

Kaugnay nito, meron akong magandang balita sa inyo!  Alam mo ba na pwede kang kumita sa plastik.  Ayon sa aking source na si Wendel G. Goma, kalihim ng Brgy. Cabanbanan ay pwede kang kumita nang piso hanggang walong piso sa bawat kilo ng plastik na maipon mo na kukunin ng iyong baranggay kung saan ka nakatira.  Ito ay isang makabuluhang programa ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan sa pangunguna ng ating butihing mayor Maita J. Ejercito, Sangguniang Bayan Members at Municipal Planning Coordinator( MPDC) na siyang implementor ng proyektong “Waste To Win! Na may tagline na “Sa Plastik, Panalo!”.  Ang programa ay still on-going at matatapos sa Disyembre, 2016.

waste-to-winLayunin ng nasabing proyekto na hikayatin ang ating mga ka-barangay na mag-recycle.  Gayun din upang mabawasan ang basura sa ating bayan na nagdudulot ng malaking pagbaha at nakakasira rin sa ating kalikasan.

Para sa buong detalye at karagdagang impormasyon, mangyari lang na makipagugnayan sa inyong punong barangay o kalihim.

Tara na! Mangulekta ng plastik sa sambahayan.  Ipunin at huwag itapon.  Makiisa para  mapangalagaan ang ating kalikasan at kagalingan nating lahat.

Advertisements